Lunes, Pebrero 27, 2017




        
Image result for edukasyon  Sa aming mga pag aaral sa malaking usapin tungkol sa kotemporaryong isyu, ang tumatak sa aking isipan ay ang usapin tungkol sa MGA ISYUNG PANG-EDUKASYON. Alam natin sa ating sarili na napakahalaga ng edukasyon sa bawat tao. Lahat dapat ng tao ay dapat makapag aral dahil dito tumaas ang kalidad ng pamumuhay ng tao dahil ito ang nakatutulong sa kanila na makapaghanapbuhay nang maunlad at matiwasay ito ay kailangan upang malinang ang kakayahan.




Image result for edukasyon          Ngunit masakit isipin na ang edukasyon ay hindi nabibigay sa mga estudyante dahil sa kawalan ng guro na magtuturo dahil isa na rito ay kulang ang kwalipikado o mahuhusay na guro at pangalawa ay ang kababaan ng kanilang kinikita o kanilang sahod. Marami ring mga estudyante ang hindi nakakapag aaral dahil sa hindi sila matustusan ng kanilang mga magulang sa kanilang pag-aaral. Marami ding mga estudyante ang gustong makapag aral ngunit kay sakit isipin ay hindi sila nagkakaraon ng pag kakataon upang mag aral dahil sa kakulangan ng mga paaralan, kakulangan ng mga aklat at kagamitan sa pag-aaral, kakulangan sa bilang ng mga guro at paghinto sa pag-aaral o drop-out ng mga mag-aaral sa paaralan.


Image result for edukasyon

Upang malutas ang mga suliranin sa edukasyon sa ating bansa ang DepEd ay naglunsad ng iba't ibang proyekto at programa para sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon. Ang pagpapataas sa antas ng edukasyon ang isa sa makakatulong sa pagiging matatag ng kaunlaran ng bansa. Nagtulong-tulong hindi lamang ang mga namumuno sa Department of Education o DepEd at mga guro hindi pati na rin ang ilang mga non-goverment organization o NGO.

Isa sa kanilang ipinairal na programa ay ang K to 12 basic education program sa ating bansa. pinalitan nila ang ating dating 10 taon na pag aaral ay kanilang dinagdagan nila ng 2 taon pa upang kung hindi kaya na matustusan ang kanilang mga anak sa pag-aaral sa kolehiyo ay pwepwede na silang makapagtrabaho pag kanilang tinapos ang k to 12 program. Ang pangalawang programa na kanilang inilunsad ay ang PAGSASAKATUPARAN NG EDUKASYON PARA SA LAHAT O EDUCATION FOR ALL (EFA). Inilunsad nila ito upang matulungan ang lahat ng mga pilipinong maging functionally literate at magkaroon ng mga kakayahan at kasanayan sa kanilang pamumuhay. Isa pa rito ay ang pagtataguyod nila ang cyber education project. Inilunsad nila ito upang lahat ng mga kabataan sa lahat ng sulok ng bansa sa pamamagitan ng teknolohiyang satellite na nakaugnay sa opisina ng DepEd.

Image result for edukasyon   Kaya dapat nating matutunan na napakahalaga ng edukasyon sa bawat tao dahil ito ang susi sa kinabukasan. kaya habang ngayon palang ay dapat tayo ay magsikap na makapagaral at makapagtapos ng ating pagaaral upang pagdating ng araw ay maging maunlad ang ating buhay at dapat nating malaman na ang edukasyon ay walang pinipiling tao o edad man nito kaya ang EDUKASYON AY PARA SA LAHAT NG TAO!